Tuesday, April 3, 2012

seryoso.

Seryoso. Lagi na lang bang ganito 'pag Holy Week? Hirap kasing magsorry eh noh? Sa araw-araw na nakagagawa tayo ng kasalanan, "big deal" ang pag so-sorry. So, sa Holy Week lang natin naiisip na magreflect at humingi ng kapatawaran.  Yun eh kung hindi ka busy.



Wooohoo! Beeeaaccch!! Escapades!! Bora!!!! Bakit wala na bang ibang paraan o araw para makapag-Beach? Para makapag-Bora? Tapos ano? Post sa FB? Twitter? Instagram? 


Dahil sa patuloy na pagnakaw ng makabagong teknolohiya sa atensyon at tradisyon natin, nalilimutan na natin ang tunay na diwa ng Mahal na Araw.  Para sa iba, ang Holy Week ay isang oportunidad para makapagbakasyon at makapagpahinga.  Iilan na lang kung ituring ito na paraan upang mareconnect ulit sa kanilang paniniwala at pananampalataya.  


Sana, maisip mo na, kaya ka nakakapag"Bora" o nakakapag-beach o nakakabili ng kung anu-ano eh dahil may nakapako dun sa krus na nagsakripisyo ng sariling buhay maranasan mo lang ang kung anumang ini-enjoy mo ngayon.


Ang bilis ng buhay.  Ang bilis dumaan ng mga araw.  Ang bilis ng oras.  Kakapikit mo pa lang, umaga na naman.  Everyday is a struggle.  Traffic. Puyat. Gutom. Stress.  Bakit kailangan pa ng penitensiya 'di ba?  Eh araw-araw ang mga ito ang pasan-pasan.  Pero, ito ba ang nasa isip mo? "Penitensiya" ang araw-araw mong pagdanas ng mga ito? Think again.  Isipin mo.   Sana bago ka magreklamo, magpasalamat ka muna.  


(*hingang malalim) Hmmmmmm.... haaaa. sarap ng hangin. sarap ng humihinga.


Holy Week. Mahal na Araw. Semana Santa. Sakripisyo. Penitensiya.


Kausapin mo Siya. Say your prayers. Say sorry.  Say thank you.  Yun lang naman ang hinihingi 'Nya.  Sana hindi ka busy.







1 comment: