Monday, May 28, 2012

product review: Saizen charcoal mask


hi mga mars. welcome to our first product review. at ang maswerteng produkto ay ang Saizen Charcoal Mask !!!



'wag shunga. mask yan teh kaya expect thick consistency.

Charcoal. One of the best na pantanggal ng kung anu-anong chenes. hmm, uling yan mars baka mag-isip ka pa kung ano ang charcoal. I'm sure nasa ref nyo yan. choz!

This mask is for the whole fez. Pero kung afraid ka to try, keri na muna sa nose.

*paalala: charcoal masks are kinda drying so after using, apply a moisturizer.

prepare first your fez. wash or scrub para mag-angatan ang mga kalaban (white & blackheads). haha...





eeeewww... yikes... kadirs.... (*halalalala.. artemuch?!)


verdict: winnnnnurrrrr! buy-sung na mga bakla! super panalo sya for only Php 85!

Yun lng mga mars. I tenk you. Bow.



** Saizen store is available in Trinoma (inside Truevalue), Market-Market, Robinson's Galleria

**very thank you sa mowdel. tenks.







Thursday, May 10, 2012

kilayin

a well groomed eyebrow is the best way to make the face looks made up. kilay pa lang para ka nang nag-ayos. lip balm or gloss wagi na. threading ang betchina ko mars for that artistahing kilay!

ingredients.

ingredients??!!!!


before.


start the threading


nga pala lagyan ng powder para mas madali i-thread.


jaran!.... o 'di ba malinis.



side view oh... winnuuurrr!


*** i would like to thanks (*take note, thanks) the sculptor este, the person who did this for the blog & opkors thanks sa mowdel for crying. tenks.

Tuesday, April 17, 2012

kuko-ru-kuko 1 *flowerette

hi mga beks. eto na. game na!


flowerette. bow.




products






step 1. I-coat si kuko ng green for your base.


step 2. Lagyan ng yellow nail polish for the petals


step 3. Lagyan ng pink nail polish ang loob ng petals


step 4. Artehan (tip: ikalat ang pink nail polish using a pointed brush or toothpick)


step 5. put an accent (stone-stonan) 



step 6.  lagyan ng quick dry polish and voila! arte much na!!!!


so there's your kuko. ready for the summerrr!!!! 

babu.



** all products used are available in stores nationwide. mamili ka.










Monday, April 16, 2012

kuko-ru-kuko..



all about nails.


cutix. choz! nail polishssshhhhh.




sample.





ooops. 'wag excited mga mars. abangan ang mga susunod na blogs. :)





summmmmerrrrrr...

hello mga mars. the heat is totally on. 

 dresses.


dresses.


and dresses.


bongels! cute cutan lng.

sandals.



sandals.



and sandals.



gosh! nag-uumapaw sa kabonggahan!

muk up.


at muk up.


ooohlala!... fresh lng. fres. *take note fres.



gora na. buy na ng summer must haves. dami nyan sa Divi! gayahin lng ang mga peg na 'to! 







Tuesday, April 3, 2012

seryoso.

Seryoso. Lagi na lang bang ganito 'pag Holy Week? Hirap kasing magsorry eh noh? Sa araw-araw na nakagagawa tayo ng kasalanan, "big deal" ang pag so-sorry. So, sa Holy Week lang natin naiisip na magreflect at humingi ng kapatawaran.  Yun eh kung hindi ka busy.



Wooohoo! Beeeaaccch!! Escapades!! Bora!!!! Bakit wala na bang ibang paraan o araw para makapag-Beach? Para makapag-Bora? Tapos ano? Post sa FB? Twitter? Instagram? 


Dahil sa patuloy na pagnakaw ng makabagong teknolohiya sa atensyon at tradisyon natin, nalilimutan na natin ang tunay na diwa ng Mahal na Araw.  Para sa iba, ang Holy Week ay isang oportunidad para makapagbakasyon at makapagpahinga.  Iilan na lang kung ituring ito na paraan upang mareconnect ulit sa kanilang paniniwala at pananampalataya.  


Sana, maisip mo na, kaya ka nakakapag"Bora" o nakakapag-beach o nakakabili ng kung anu-ano eh dahil may nakapako dun sa krus na nagsakripisyo ng sariling buhay maranasan mo lang ang kung anumang ini-enjoy mo ngayon.


Ang bilis ng buhay.  Ang bilis dumaan ng mga araw.  Ang bilis ng oras.  Kakapikit mo pa lang, umaga na naman.  Everyday is a struggle.  Traffic. Puyat. Gutom. Stress.  Bakit kailangan pa ng penitensiya 'di ba?  Eh araw-araw ang mga ito ang pasan-pasan.  Pero, ito ba ang nasa isip mo? "Penitensiya" ang araw-araw mong pagdanas ng mga ito? Think again.  Isipin mo.   Sana bago ka magreklamo, magpasalamat ka muna.  


(*hingang malalim) Hmmmmmm.... haaaa. sarap ng hangin. sarap ng humihinga.


Holy Week. Mahal na Araw. Semana Santa. Sakripisyo. Penitensiya.


Kausapin mo Siya. Say your prayers. Say sorry.  Say thank you.  Yun lang naman ang hinihingi 'Nya.  Sana hindi ka busy.







Sunday, March 25, 2012

project runway philippines season 3

Project Runway Philippines Season 3 started its first episode last night on ETC at 8 PM. Oh 'di ba, hindi naman akey masyadong follower ng show. hehe.



wagi ang bagong host! Miss Tweety de Leon - Gonzales





opkors, hindi naman pahuhuli ang mga kasamang judges. L - R ( Rajo Laurel, Apples Aberin & Joji Lloren)


enter the contestants!!!


Ionica Abrahan, 21 years old from Batangas 
Nel Claveria, Jr., 30 years old from Camarines Sur 
Glenn Gonzales, 26 years old from Pangasinan (isang mata lng gamit nya! say moh!!!! (may congenital glaucoma kasi)
Normannie Santos, 28 years old from Bulacan (tanggal na sya last night! )
Cheetah Rivera, 24 years old from Manila 
Lhenvil Paneda, 21 years old from La Union  (oh, parang yung tatay lang ni draco malfoy!!)
Karla Galang, 27 years old from Quezon City 
Fatima Guerrero, 21 years old from Nueva Ecija (muslim sya teh!  mabuhay ang mga kapatid nating muslim!)
 MJ Alminanza, 24 years old from Zambales (boobay? istatue?)  
Yves Camingue, 25 years old from Cebu City 
Milka Quin Redoble, 34 years old from Pasig City ( ay! si rosebud! charlot lng madam!) 
Enzo Libo-on, 23 years old from Bacolod City 
Jenno Gacasan, 24 years old from Cebu 

Joseph Montelibano, 35 years old from Iloilo





Goodluck mga bakla!





** salamat sa http://en.wikipedia.org/wiki/Project_Runway_Philippines_(season_3) at sa google pictures... hehehe :)